MASINOP, MASUSING IMBESTIGASYON SA KASONG GANG RAPE SA PUP, GENDER DESKS SA MGA CAMPUS IGINIIT NG GABRIELA

Nagpahayag ngayon ang mga kinatawan ng Gabriela ng simpatya at suporta sa biktima ng gang rape sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Anila, “ang panawagan para sa hustisya ng biktima gayundin ang panawagan ng mga estudyante ng PUP para sa isang ligtas na kampus ay dapat na suportahan.”

Ayon kay Gabriela Rep. Liza Maza, “kailangang tiyakin ang mabilisan at masinsing imbestigayon ng pulisya at ng PUP University Committee sa kaso ng gang rape sa PUP. Dapat managot ang mga salarin. Gayundin, hindi dapat makalimutang may pananagutan rin ang administrasyon ng PUP lalupa’t naganap ito sa loob mismo ng campus.”

Ayon sa biktima naganap ang insidente noong Hunyo 25 sa  loob mismo ng campus. Di umano’y nilagyan ng droga ang pina-inom sa kanya bago siya halinhinang ginahasa ng mga salarin.

Iginiit naman ni Maza na tiyaking maging masinop at hindi padaskul-daskol ang mga pulisya sa paglulunsad ng imbestigasyon lalupa’t pawang mga minor de edad ang mga sangkot at apektado.

Dagdag pa ni Maza kinakailangang palakasin ang mga “Women and Gender Desks” sa mga State Colleges and Universities. “Magiging malaking tulong ang mga naturang tanggapan para tiyakin ang proteksyon, counselling at pagbibigay hustisya sa mga kababaihang estudyanteng biktima ng sexual harassment, rape at pangmomolestiya.”#

2 Comments

Filed under News Release, VAW, Women

2 responses to “MASINOP, MASUSING IMBESTIGASYON SA KASONG GANG RAPE SA PUP, GENDER DESKS SA MGA CAMPUS IGINIIT NG GABRIELA

  1. John

    Nakakalungkot lang na sa PUP pa nangyari ang ganitong krimen, Unibersidad na nagtataguyod ng mga mahihirap na estudyante. Oo tama ang sinasabi ng pamunuan ng PUP na kulang kasi sila sa security forces para mabanatayan ang isang malaking campus pero hindi ito dahilan para makalusot sila. Kahit naman may security sila dyan talagang maluwag sila dahil kung sinu-sino ang mga nakakapasok, may insidente pa nga sa 6th naholdapan…akalain nyo yun! tapos ngayon gang rape!!! Paano po kasi yung mga guard dyan na dapat sana ay nagbabantay kung anu-ano ang ginagawa…meron dyan nagpupusoy…nag-iinuman kung gabi…kaya kung may nangyayari man na kung ano dyan sa PUP ay hindi nila alam dahil mga lasing at tulog!

    Bukod tangi ang PUP sa lahat…bakit ka mo?…ito lamang ang unibersidad na may tirahan para sa mga aktibistang estudyante (hindi naman ako galit sa aktibista dahil katulad ko rin sila) na panay ang reklamo pero kung titingnan ang kanilang mga record ng pag-aaral ay wala namang binatbat, okey lang na magreklamo kung ikaw sa sarili mo ay may ginagawa hindi lang ngawa.

    Ito lamang ang Unibersidad na puedeng uminom at manigarilyo ang mga estudyante…try nyo lang one time for sure baka maka-inuman nyo pa si manong guard…

    Katulad din ng ibang pampublikong kolehiyo at unibersidad ay pinagkakitaan ng mga taong nasa posisyon ang unibersidad…tapos sasabihin kapos sa budget yung dapat gagamitin sa development ng facilities ay napunta na yata sa bulsa ng isang tao dyan….

  2. anu ba naman kasi yang si Guevarra! puro na lang kasi “Beautification” projects ang inaatupag!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s